chinese magnolia (tsáy•nis mag•nól•ya) : palumpong (Magnolia coco) na 3 m ang taas, may da-hong eliptiko, makintab, at madilim na lungtian, at may bulaklak na putî, mabango, at anim ang talulot, katutubo sa Tsina
calla lily (ká•la lí•li) : yerba (Zantedeschia aethiopica) na may makapal na risoma, may tangkay na 1 m ang habà na nagdadalá sa hugis embudo at maputîng bulaklak
chinese bamboo (tsáy•nis bám•bu) : payát at maliit na kawayan (Bambusa glausescens) na madahon, katutubò sa Indotsina
sea lily (si lí•li) : echinoderm (class Crinoidea) na kahawig ng lili, may mahabàng tangkay, at tíla balahibo ang mga galamay na ginagamit sa pangunguha ng pagkain
african lily (áf•ri•kán lí•li) : yerba (Agapanthus africanus) na may makapal na risoma, nása umbel ang mga bulaklak na karaniwang bughaw na lila